Monday, May 14, 2007

Pero Boboto Pa Rin Ako

Magulo (kasi manual botohan)
Maingay (siksikan na naman)
Mainit (hindi lang katawan, pati ulo)
Madaya (me flying voters at dagdag-bawas)
Marumi (marumi ung ink, nakakabanas!)

May kurakot na kandidato (meron bang hindi?)
Meron ding sugarol (dapat magsama kayo ni Erap!)
Epal din pala si Erap.
Mayroong nagpapakajologs (tol mo mukha mo!)
Mayron ding tunay na jologs (representative ng jologs, ba yan?)

Mayroon pa ring artista!
Meron ding nagfi-feeling artista
Mayroon Sharonian at Vilmanian
May kriminal
May mukhang kriminal

Mayroong bading at mukhang bading (pasintabi sa mga tunay na bading)
Andiyan si Kuratong baleleng!
Meron ding mutineer (Yung beterano at yung bagito sa kudeta)
May political dynast
Anak ni ganito ganyan na apo ni kuwan na asawa ng tita ng ate ng aso nila

Grabe, buti di ako vegetarian (ilibing dapat yan sa Senado)
Merong tuta ni GMA (lahat pala sila)
Merong sinungaling (ah lahat din pala sila)
Team unity my ass
GO to hell!

Comelec ang magbibilang (god, why have you forsaken us?)
Me nandaya (yung nanalo)
Me nadaya (yung natalo)
Me ngangawa (yung natalo)
Me bagong magnanakaw (yung nanalo)

May sinungaling (kampon ni GMA)
Mayroon ding dating sinungaling (kampon naman ni Erap)
Hindi lang pala sinungaling si GMA, magnanakaw din (ng boto)
De-Pidal ang eleksyon
Sana mamatay na si Yoda.

Ah, kapag nakikita ko ang mga dahilang yan
Mas lalo akong ginaganahan bumoto.
Alisin sila sa pwesto!
Nasa kamay natin ang pagbabago!