Sunday, August 5, 2007

Distraksyon.


Hay anu ba kras. Alam kong maganda ka pero wag mo naman ipangalandakan ang taglay mong karikitan kapag nagsusulat ako para sa blog ni diwa. Oks yung paminsan-minsang dalaw sa kukote ko, pero pwedeng hanggang ganun lang? I mean, wag namang magtatambling sa isip ko kapag hinahabol ko ung train of thought ko.

Ayan tuloy. Naiwanan ako nung tren. Kelan ang next ride? Half-draft na naman ang nagawa ko. Pwede ko bang i-post to? Hindi. Kasi ang nagmamagaling na manunulat gaya ko ay hindi kuntento sa mga ganitong bara-barang sulat. Kumbaga sa sinaing, hilaw pa. Kumbaga sa prutas, manibalang. Kumbaga sa pag-ibig, kulang sa lambing.

Tandaan mo, para sa future natin to. Kapag naging batikan akong manunulat; kapag pinipilahan na ako ng mga tao; kapag buddy-buddy ko na yang mga dinidiyos kong writers; tayong dalawa ang magdidiwang (teka, maging tayo muna pala!)

Tandaan mo, ikaw lang ang ginagawang inspirasyon ko. Pero inspiration sana. Wag distraction :/


1 comment:

Hector Bryant L. Macale said...

"Kasi ang nagmamagaling na manunulat gaya ko ay hindi kuntento sa mga ganitong bara-barang sulat. Kumbaga sa sinaing, hilaw pa. Kumbaga sa prutas, manibalang. Kumbaga sa pag-ibig, kulang sa lambing."


Huwaw. very much inspired ka ha.