Showing posts with label sabog na banana. Show all posts
Showing posts with label sabog na banana. Show all posts

Sunday, August 5, 2007

Distraksyon.


Hay anu ba kras. Alam kong maganda ka pero wag mo naman ipangalandakan ang taglay mong karikitan kapag nagsusulat ako para sa blog ni diwa. Oks yung paminsan-minsang dalaw sa kukote ko, pero pwedeng hanggang ganun lang? I mean, wag namang magtatambling sa isip ko kapag hinahabol ko ung train of thought ko.

Ayan tuloy. Naiwanan ako nung tren. Kelan ang next ride? Half-draft na naman ang nagawa ko. Pwede ko bang i-post to? Hindi. Kasi ang nagmamagaling na manunulat gaya ko ay hindi kuntento sa mga ganitong bara-barang sulat. Kumbaga sa sinaing, hilaw pa. Kumbaga sa prutas, manibalang. Kumbaga sa pag-ibig, kulang sa lambing.

Tandaan mo, para sa future natin to. Kapag naging batikan akong manunulat; kapag pinipilahan na ako ng mga tao; kapag buddy-buddy ko na yang mga dinidiyos kong writers; tayong dalawa ang magdidiwang (teka, maging tayo muna pala!)

Tandaan mo, ikaw lang ang ginagawang inspirasyon ko. Pero inspiration sana. Wag distraction :/


Friday, July 13, 2007

My Activist Crush Skirts the Issue

Literally. Hehe

Noong Martes, habang nakatambay kasama ng org ko, nakita ko na naman yung uber-crush kong tibak (short po ng aktibista). Kaso nung panahong yun, mas matagal akong nagpista sa mukha nya. Ok, sa katawan pala. Kasi naman, naka-palda ang lola mo. Grabe. First time ko siyang makitang nagsuot ng ganun. Ah, lakas tama na naman.

Siempre, para di halata, patay-malisya ako. Kunwari nakikipag-usap sa mga kasama ko. Pero lilingon-lingon ako para masipat ko mula sa malayo si kras (wala pa pala akong term of endearment sa kanya). Anyway, tamang trip lang pala na magsuot ng cap ang mga mahilig sa ligaw-tingin. Di obyus. Hehe.

Pero nalingat yata ako at nawala siya bigla. Natapos na yata yung meeting nila ng mga kausap niya. Basta nawala siya roon sa lugar niya.

Ay tamaan ka ng bagkat! Nasa may tabi ko na pala! Akala ko ay tuluyan na niya akong aakitin at sasabihin na gawin na namin ang matagal ko nang ninanais (ang kumain kami ng siomai). O baka naman napansin niya ang sightseeing na ginagawa ko. At bigla syang dumukwang…

Kinuha lang pala ang bag.

Ahh. Nosebleed. Tugs-tugs-tugs-tugs yung kabog yung puso ko. Kasinglakas yata ng bass ng jeepney nung mga feeling hiphop na driver. Naka-upo kasi ako sa may hagdan at nasa may tapat ko siya nang kinuha yung bag. At mula sa ilalim ng cap kong me juts design ay kitang-kita ko ang matagal nang itinago ng kanyang pantalon. Ah, heaven pare. Pero, siempre hanggang legs lang pero yun pa lang ay pede ko nang ikamatay.

Sa loob ng limang segundo na pagkuha niya ng bag (na hindi ko alam paanong napunta sa may lugar ko) ay na-visualize ko na ang aming future: pagkagaling sa klase o sa rally na kung saan ay isinama niya ako, kakain kami sa isang beef pares house. Pede ring sa may siomaiyan. T’as magsusubuan kami habang kasinglagkit ng matamis na bao ang aming pagtititigan. At…

At umalis na sya.

Hay.. sana magkakakilala kami.